Wow!!! Ang dami kong first time sa trip na ‘to!!! :D
Unang-una sa lahat, first time kong sumakay sa train. Sumakay kami ng train galing dito sa Naga hanggang sa Sipocot (Sarah’s Place, kulang n lang ning “a”Palace na, saktong-sakto na “Sarah: ang Munting Prinsesa, hehe :D). Then, sinundo kami ng papa ni Dessa kung saan punong-puno ang sasakyan dahil sa 8 kaming magkaklase plus papa ni dessa = 9 sa isang D-Max. Di bale 6 kami sa likod kung saan kinalong na lang kami ni May para magkasya.. :D
After ng biyahe, sa wakas nakarating din kami sa bahay nina Dessa. Grabe pagkarating lang namin yung kilohan kaagad ang napagdiskitahan namin. 49kls na pala ang weight ko. Ang astig pala ng grill nila Dessa, high-tech. First time ko makakita nun..hehe. Sila Janine at May ang nag-ihaw ng ulam namin habang kami ay gumagawa ng music video ng Call Me Maybe. Syempre si Sarah palagi ang star ng video. Nung dinner na, ang sarap ng pagkain…sobra, nadagdagan pa ang sarap dahil sa sauce :D After ng dinner ay kumanta sila gamit ang Magic Sing nila Dessa with Tanduay Ice :D
Fast Forward (wala naman kc masyadong nangyari)
Yehey! Nakarating na rin kami sa pinagmamalaki ni Blez na Bagasbas Beach..Malapit lang kc sa beach yung iinterviewhin. Sa totoo lang, maganda talaga yung beach. Ang linaw ng tubig, malinis, at magandang panoorin ang alon :D So ang ginawa namin picture-picture, sulat sa buhangin, etc. By the way, bumili pala kami nung product nung ininterview namin whch is DINAILAN. Grabe ang amoy.
Pagkatapos ng interview ay pumunta kami sa playground kung saan nagpakabata kami..hehe. Nandun din pala yung tinatawag nilang replika ng “Morga” (monumento ni Rizal). Pagkatapos noon ay pumunta kami sa Centro. Sosyal may traffic light, talo pa ang Naga. Pinatikim din kami ni Blez ng buttered pandesal (in fairness ang sarap).
Nakarating na rin kami sa lungga ni Blez (Blezelle’s Crib). First time kong makakain ng Ice Candy na Avocado ang flavor, ang sarap :D Dun na kami naglunch at nagpahinga, nakiinternet na rin..hehe
WOW..super saya ng experience. Super nag-enjoy ako..Sana Maulit Muli..haha :D
Thanks nga pala sa mga kagroupmates ko jan ( Dessa, Blez, Micah, May, Dess, Jesh, Janine, Josetta, Sarah), lalo na sainyo Dessa and Blez..Thanks sa pagpapatuloy sa bahay nyo and pagpapakain na rin :D
July 19-20,2012
